-- Advertisements --

Ititigil muna ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtanggap ng mga aplikasyon ng digital banks simula Agosto 31.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno na ang nasabing hakbang ay para mabantayan nila ang mga performance at impact ng digital banks sa banking system ng bansa.

Nais din aniya tiyakin ng BSP na hindi maapektuhan ang business environment at para magkaroon ang mga bangko ng mag-alok ng ibang mga magandang serbisyo sa kanilang kliyente.

Nauna ng pinayagan ng BSP ang digital banking sa bansa.

Sa kasalukuyan ay mayroong limang digital banking ang inaprubrahan ng BSP at ito ay ang OF Bank, Tonik Bank, UNO Bank, UnionDigital Bank at GoTyme.