Hindi pa nakikita ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kahalagahan ng pagtaas na ng interest rate sa kasalukuyan.
Ito ay kahit na nagkaroon ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na wala pang ebidensiya na magkakaroon ng chain reactions ng inflation sa interest rate.
Dagdag pa nito na ang mga presyo ng prutas, isda at karne ng baboy ay bumaba naman noong nakaraang buwan kaya walang magiging epekto ito sa pagtaas ng interest sa mga bangko.
Limitado lamang ang bilang ng mga bilihin ang nagtaas.
Umaasa rin ito na manunumbalik sa normal ang inflation sa mga susunod na buwan lalo na at maraming mga negosyo na ang nagbukas mula ng luwagan ang alert level system ng National Capital Region.