-- Advertisements --
Hindi sang-ayon si Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na taasan ang interest rate sa mga pautang para makabawi sa ekonomiya.
Ayon kay Diokno na hindi pa napapanahon ang nasabing hakbang dahil hindi pa lubos na nakakabangon ang maraming negosyo mula sa COVID-19 pandemic.
Dapat na ituring lamang ang taong ito na recovery year at posible sa 2022 ay tuluyan ng makakabawi ang ekonomiya ng bansa.
Ang desisyon ng BSP para panatilihin ang rates ay kasunod ng two-year high January inflation na mayroon 4.2% na nagdala sa negative real interest rate environment.