-- Advertisements --

Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na gumamait ng mga digital wallets kapag magbibigay ng mga pamasko ngayong holiday season.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na sa ganitong paraan ay maiiwasan ang physical contact.

Isa aniya rin itong ligtas at mabisang paraan.

Isa kasi ang digital banking sa mga prioridad ngayon ng BSP ng makabagong paraan ng mga transaksyons.

Target kasi nila sa 2023 na gawing digital na ang lahat ng transaction lalo na at maraming mga Filipino ang may maraming alam sa teknolohiya.