-- Advertisements --

Tuloy pa rin ang serbisyo ng mga bangko sa bansa kahit na may banta ang coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), isang public health crisis at hindi financial crisis ang coronavirus.

May mga ipapatupad lamang silang mga protocols para sa hindi maantala ang mga bank operations.

Hinikayat din ng BSP ang karamihan na gumamit lamang sila ng mobile banking o digital payment service.