Nanawagan si Governor Eli M. Remolona, Jr. ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ipagpatuloy ang mga pagsusumikap ng gobyerno at pribadong sektor upang mapanatili ang tagumpay matapos maalis ang bansa sa “grey list” ng Financial Action Task Force (FATF).
Ang nasabing record ay listahan ng mga bansa na kinakailangan pang magpatibay ng kanilang mga hakbang laban sa money laundering at financing ng terorismo.
Pinunto ng BSP head ang kahalagahan ng pagiging “vigilant” o mapagmatyag sa mga bagong panganib na maaaring makaapekto sa sistema ng pananalapi.
Sa kanilang pagpupulong, nagbigay ng pagkilala ang ahensya sa mga tanggapan at sektor na nakatulong sa pagkamit ng milestone na ito.
Kasama sa mga ito ang mga nasa ilalim ng BSP, Anti-Money Laundering Council, Securities and Exchange Commission, at Insurance Commission.
Ang tinatawag na Stakeholders Appreciation Program, na ginanap noong ika-5 ng Marso 2025 sa BSP Manila, ay isang pagkakataon upang pasalamatan ang mga grupo at indibidwal na nagsulong sa layunin ng bansa na magkaroon ng mas ligtas na sistemang pinansyal.