Nilinaw ni Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno na aabot lamang ng 5% ang ibinaba ng mga remittances na nagmumula sa mga overseas Filipino workers (OFW).
Katumbas umano ito ng P28 billion mula sa dating P38 billion bago pa man mangyari ang coronavirus pandemic.
Ayon kay Diokno, hindi raw daw dapat ikabahala ng publiko ang pagbaba ng remittances bunsod ng patuloy na epekto ng COVID-19 sa buong mundo.
Naniniwala rin umano ito na malaki ang tulong ng mga business process outsourcing companies o BPO upang mabawi ang nasabing halaga dahil hindi naman tumigil ang kanilang transaksyon lalo pa at gumagamit ang mga ito ng digital platform.
Pansamantala lang aniya ang natatamasang pagbaba ng OFW remittances at makakabawi rin ito ng paunti-unti.
Kayang-kaya rin daw ng mga Pinoy na mag-supply ng manpowe sa health industry na ngayon ay in-demand sa buong mundo.