-- Advertisements --

Magsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa nangyaring glitch sa isang electronic wallet.

Ayon sa BSP na inabisuhan na nila ang nasabing kumpanya na ipakita sa kanila ng ginawa nilang hakbang.

May mahigpit din silang ugnayan sa nasabing kumpanya para matiyak ang agarang pagresolba ng problema.

Tiniyak naman sa kanila ng nasabing kumpanya na ligtas ang mga pera at datos ng kanilang kliyente.