-- Advertisements --

Ikinalugod ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-exit ng bansa mula sa Financial Action Task Force (FATF) grey list o listahan ng jurisdictions sa ilalim ng increased monitoring. 

Sa isang pahayag, inanunsyo ng FATF na wala na ang Pilipinas sa increased monitoring matapos na ganap na paigtingin ng bansa ang anti-money laundering and counter-terrorism financing (AML/CTF) regime.

Ayon kay BSP Governor Eli M. Remolona, ang pagkakaalis ng bansa sa FATF grey list ay bunga ng matibay na kooperasyon sa gobyerno gayundin ng pribadong sektor. 

Mula nang maisama ang bansa sa grey list noong Hunyo 2021, nakipagtulungan ang BSP sa Anti-Money Laundering Council at iba pang ahensya ng gobyerno upang matiyak ang napapanahong pagpapatupad ng mga action plan para palakasin ang anti-money laundering and counter-terrorism financing (AML/CTF) regime.

Sapat na natugunan ng BSP, sa loob ng itinakdang mga takdang panahon, action plan items kabilang ang central bank at BSP-supervised financial institutions. Kabilang dito ang: 

·  Implementing the new registration requirements for money or value transfer services and applying sanctions to unregistered and illegal money remittance operators; and

·  Enhancing the effectiveness of targeted financial sanctions framework for both terrorist financing and proliferation financing.

Pinagtitibay ng BSP ang pangako nito sa sustaining risk-based AML/CTPF supervisory strategies upang higit pang isulong ang integridad at katatagan ng sistema ng pananalapi ng Pilipinas.