Ikinatuwa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang patuloy na paglobo ng mga nagbubukas ng kanilang bank accounts.
Ayon sa datus ng BSP na kada buwan ay tumataas ang basic deposit accounts (BDA) na naitatala nila.
Inihalimbawa nila ang huling quarter ng 2023 kung saan tumaas ng 58 percent o katumbas ng 24.2 milyon ang nagbukas ng account kumpara sa dating 15.3 milyon lamang.
Ilan sa mga naging dahilan nito ay ang pagkakaroon lamang ng initial deposit ng P100 at ang pagtanggal na ng minimum maintaining balance at domancy charges.
Kasama rin dito ang hindi na gaano hinahanapan ang mga depositors ng maraming mga identification requirements.
Dahil dito ay patuloy ang panghihikayat ng BSP sa publiko na mag-impok sa mga bangko para matiyak na magiging ligtas ang mga perang naiipon.