-- Advertisements --
Nakatakdang ilabas sa buwan pa ng Disyembre ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa nangyaring glitch sa isang electronic wallet service.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na hindi sila tumitigil sa pag-iimbestiga sa reklamong hindi otorisadong pagbabawas ng pera ng mga may-ari ng e-wallet service.
Nais nilang magkaroon ng matibay na ebedensiya bago tuluyang ilabas ang kanilang imbestigasyon.
Dahil sa insidente ay kanila ng pinag-aaralan ang mga polisiya kung paano mapalakas ang kanilang fintech sector.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay maraming mga customer ng e-wallet ang nagreklamong nawalan ang laman ng kanilang account.