-- Advertisements --
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa hindi otorisadong pagkaltas ng mga pera sa ilang depositors.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, na nakipag-ugnayan na sila sa mga bangkong sangkot.
Dagdag pa nito na kanilang kakausapin nila ang mga bangko na sangkot at para sa posibilidad na maibalik ang mga perang nawala ng mga nagrereklamo.
Nauna rito ibinahagi ng isang depositor na nawala ang kaniyang pera na nagkakahalaga ng P50,000.