-- Advertisements --

Aabot na sa P1-bilyon na mga barya ang nasa sirkulasyon na ngayon dahil sa pagdami ng mga Filipino ang gumagamit na ng coin deposit machine (CoDMs) ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ayon sa BSP na mula noong ilunsad nila ang nasabing programa noong Hunyo 2023 ay mayroong mahigit 240,000 na CoDM transactions ang kanilang naitala.

Aabot na rin sa mahigit 260 milyon na mga magkakaibang halaga ng barya ang nakuha sa mga coin deposit machines.

Magugunitang inilusad ang nasabing programa para ang mga barya na nasa mga alkansya.