-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtaas ng dollar remittance na ipinapadala ng mga overseas Filipino workers.
Ayon sa datos ng BSP na mayroong 2.5 percent ang itinaas nito noong buwan ng Hunyo.
Katumbas ito ng $3.21 bilyon noong Hunyo kumpara sa $3.13-B sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Ito na aniya ang pinakamataas na naitala sa loob ng anim na buwan.
Sa loob aniya ng unang na anim na buwan ay mayroong $18.1 bilyon o 2.9 porsyento na mas mataas sa $17.59-B na naitala noong nakaraang taon.