-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kanilang ginagawang coin recirculation program.
Ayon sa BSP na pumalo na sa 145.5 milion na mga barya ang naikarga ng publiko sa knailang coin deposit machines.
Ang nasabing bilang ay mula ng kanilang sinimulan ang proyekto noong Hunyo 2023 hanggang Pebrero 21, 2024.
Sa ngayon ay target nilang magdagdag ng mga bilang ng mga coin deposits machines na ilalagay sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para lalong makahikayat ang publiko na ilabas at gamitin ang mga barya.