-- Advertisements --
Nilinaw ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pansamantalang ipinagpaliban ang paglabas ng publication ng kanilang Monetary Policy Report (MPR) para sa kasalukuyang period.
Layunin nitong bigyan-daan ang ilang revision sa report na nabuo sa pagtalakay ng Monetary Board sa ginanap na monetary policy meeting kamakailan.
Ang ilalathala kasing policy ay siyang gagamiting gabay sa mga pagpapasya ukol sa malalaking monetary transactions.
Bahagi rin ito ng proseso sa paglilipat sa Comprehensive Workhorse Model para sa monetary policy-making.
Layunin nitong maisulong ang mababa at matatag na inflation para sa kapakanan ng ating mga kababayan.