Nag-uutos ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ganap na ipatupad ang Philippine QR Code standard sa darating Hulyo 1 kasalukuyang taon.
Sa isang pahayag, sinabi ng BSP na inaprubahan ng Monetary Board ang nagtatakda ng patakaran na magpapadali ang buong paglipat ng lahat ng quick response o QR code-enabled payment sa National QR Code Standard, o “QR Ph.”
Ang QR Ph ay ang QR code standard ng bansa, batay sa isang card standard na isang pandaigdigang pamantayan para sa mga secure na pagbabayad.
Ito ay binuo upang gawing pamantayan ang paggamit ng mga QR code sa bansa.
Sinabi ng naturang bangko na ang mga alituntunin ay nag-uutos sa mga BSP-supervised financial institutions (BSFIs) na nagsisilbing payment service providers (PSPs).
Gayundin ang nag-aalok ng QR code-enabled payment services para gamitin at ipakita ang QR codes sa kanilang internet at mobile channels simula Hulyo 1, 2023.
Giit ng BSP na ang mga alituntunin ay inilabas sa pamamagitan ng isang memorandum na nagbibigay para sa paglipat ng mga non-QR Ph code para sa mga serbisyo sa electronic payments sa QR Ph standard bago Hulyo 1, 2023.