-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang final circular para sa panuntunan ng magiging maluwag sa foreign exchange (FX).

Ang nasabing hakbang ay para mas lalong makahikayat ang bansa ng mas maraming mga mamumuhunan na galing sa ibang bansa.

Sinabi ni Monetary Board member Anita Linda Aquino, na kanilang kinonsulta ang ilang mga custodian banks ukol sa nasabing usapin.

Nitong Enero ng ilabas ng BSP ang draft circular ukol sa panuntunan ng foreign exhchange transactions.