-- Advertisements --

LAOAG CITY – Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang cashless o digital transaction ngayong panahon ng community quarantine.

Ito ang sinabi ni Dr. Evelyn Tanagon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa Batac City, Ilocos Norte.

Paliwanag ni Tanagon, dahil sa nararanasang COVID-19 pandemic ay marami na ang nakikitransaksyon sa online.

Aniya, ito ang pinakamagandang gawin para maiwasan ang paglabas at makitransakyon ng face to face sa mga bangko.

Dagdag niya na ito ang pinakamabilis na pag-transfer sa ibang bangko dahil kahit saan magpunta ay magagawa ito.