-- Advertisements --
Mariing itinanggi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga pinalalabas na pahayag ng Kapa-Community Ministry International, Inc. (KAPA) at mga affiliates nito na binigyan sila ng approval para makapag-operate.
Sa inilabas na abiso ngayong araw, iginiit ng BSP na hindi totoong BSP-supervised entity ang KAPA dahil iligal ito.
Ginawa ng ahensya ang paglilinaw dahil sa mga inilalabas na pahayag ng investment group sa kanilang mga tauhan, sa publiko at maging sa kanilang social media accounts.
Matatandaang una nang kinansela ng Securities and Exchange Commission (SEC) ang certificate of incorporation ng KAPA dahil sa mga sistemang ipinatutupad nito na pumapatak bilang Ponzi scheme at iba pang iligal na gawain.