-- Advertisements --

Itinigil na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagbebenta ng P125 commemorative coins.

Ayon sa BSP na naabot na nila ang order quota na inilaan sa nasabing barya.

Ginawa ang nasabing barya para sa paggunita sa ika-125th death anibersaryo ni Dr. Jose Rizal.

Ang commemorative coin ay mayroong 34 milimeters ang diametro at gawa sa Nordic gold.

Ayon sa BSP na mula ng ilunsad ang nasabing pagbebenta ng nasabing commemorative coin ay marami na ang nagpadala ng email at interesadong bumili nito.

Nakaukit din dito ang larawan at pirma ni Dr. Rizal at sa likod nito ay makikita ang Rizal monument at logo ng BSP.

Isinilang si Rizal noong June 19, 1861 sa Calamba, Laguna at pumanaw siya sa pamamagitan ng firing squad noong Disyembre 30, 1896.