-- Advertisements --

Nakatakdang ilabas na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa mga susunod na araw ang bagong transfer fee sa mga electronic at online banking.

Ayon kay BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan, na layon nito ay para dumami pa ang mamamayan na mag-enroll sa mga online banking.

Karamihan kasi sa mga reklamo ng iba ay mataas ang transfer fee na sinisingil kaya nawawalan an silang interest para mag-enroll sa mga online banking.

Magiging reasonable aniya ang maaring ipatupad na tranfer fee para lalong dumami ang mga Pinoy na magkainteres sa digital payments.