-- Advertisements --

Nakatakdang ilatag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga panuntunan tungkol sa digital banking.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno, na hindi kasama sa kasalukuyang kategorya ng banko ang digital banking.

Ito ay dahil sa nagbibigay ng financial products at services na naipoproseso ito sa pamamagitan ng digital platform at electronic channels.

Ang digital banks o tinatawag din na neobanks ay may minimal o walang physical contacts sa mga users.

Baka aniya sa katapusan pa ng 2020 ay maipapalabas na nila ang panuntunan sa digital banking.