-- Advertisements --
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mananatiling matatag at pangunahing financial system ng bansa ang mga bangko.
Sinabi ni BSP director Maria Cynthia Sison, na may mga ginagawa silang mga pababago para mapabuti pa lalo ang banking system ng bansa.
May mga ipinatupad na rin silang mga pagbabago at programa para matiyak na magiging matibay ang lahat ng mga banking system ng bansa.
Isa sa mga ginawa nila ay ang pagpapatibay ng cyber security ng mga bangko sa bansa.
May inisyatibo na rin sila para malabanan ang anumang uri ng money laundering at kahalintulad na krimen.