Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga mambabatas na ipasa ang mga nakabinbin na panukalang batas para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr, na sa nasabing pagpasa ng mga nakabinbin na panukalang batas ay magkakaroon na ng matibay na pagbangon sa ekonomiya ng bansa.
Isang tinutukoy nito ay ang Republic Act 1405 at 6426 o batas patungkol sa bank deposits secrecy na siyang nagbibigay ng pagdududa sa mga foreign investors na makipag-transaksyon sa bansa.
Ganun din ang pagbago sa RA 9510 o Credit Information System Act, kung saan ang mga mga borrowers na mayroong good credit standing ay makakakuha ng mas murang rates kumpara sa mga borrowers na mayroong poor records.
Binigyang halaga din nito ang pagkakaroon ng financial protection law lalo na at dumadami na ang digital channels para sa investment o mga online transactions para maiwasan ang anumang panloloko.