GENERAL SANTOS CITY – Magsasagawa ng special audit ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng bangko sa lungsod kung saan naglagay ng kanilang investment ang mga Kabus Padatuon (KAPA) members.
Katuwang ng BSP sa imbestigasyon ang Securities and Exchange Commission (SEC).
Ayon kay Victor Bruce Tolentino, member ng monetary board ng BSP ang salaping nakolekta ng KAPA ang ipinasok sa bangko.
Layon ng imbestigasyon para malaman na hindi apektado ang mga bangko na maaaring sa mga ito nag-deposit ng kanilang investment ang mga KAPA members.
Kasama sa pag-uusapan sa special audit kung may pananagutan ang nasabing mga bangko.
Una nang sinabi ng BSP na kung lumagpas ng 6 percent ang interes na inaalok bawat taon hindi ito totoo.
Tinawag din ng BSP ang mga short term investment kagaya ng KAPA na hindi makakatulong sa paglago ng ekonomiya ng buong bansa.