-- Advertisements --
Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na kailanman ay hindi sila nag-isyu nang tinatawag na Brilliant Uncirculated P20 peso coins.
Ginawa ng BSP ang paalala dahil na rin sa pagkalat sa internet o online seller na nag-aanunsiyo sa ibinebentang Brilliant Uncirculated P20 peso coins.
Ayon sa BSP ang P20-peso new generation currency (NGC) na nasa sirkulasyon na ay una nang ini-release ng BSP noon pang December 2019.
Sa ngayon nasa mahigit 2-million na mga P20 coins ang nasa sirkulasyon at nagkakahalaga ng P41.8 million.