-- Advertisements --

Mahigpit na pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na pinagbabawal ang anumang pag-imprinta ng larawan o kahalintulad ng mga perang ginagamit sa bansa.

Ayon pa sa BSP na noon pang 2014 ay mayroon na silang memorandum na nag-aatas na pinagbabawal ang anumang uri ng pag-imprinta o paggawa ng mga imahe ng pera sa bansa.

Mahaharap sa lima hanggang 10 taon na pagkakaulong ang sinumang mapapatunayang lumabag.

Dapat ipaalam sa BSP ito na papayagan lamang kapag gagamitin para sa educational, historical, numismatic, newsworthy o ibang kalahintulad na paggagamitan.