-- Advertisements --
Inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang P100,000 na comemorative banknotes para sa mga collectors kasabay ng National Heroes Day nitong araw ng Lunes.
Ayon sa BSP na ang commemorative bills ay bahagi ng numismatic o money coin at printed money collection.
Nailimbag ang nasabing pinakamalaking Philippine commemorative banknote noong 1998 para ipagdiwang ang centennial Philippine Independence.
Makikita sa harapan nito ang Sigaw ng Himagsikan na pinangunahan ni Andres Bonifacio ang bayani ng Katipunan.
Habang sa likurang bahagi nito ay makikita ang proclamation ng Philippine Independence na pinangunahan ni Gen. Emilio Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite.
Mayroong 1000 na piraso lamang ang naiprinta para sa mga collectors.