-- Advertisements --

Naglunsad ng bagong mobile app ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Sa nasabing app ay makikita ang palitan ng peso sa US dollar at ilang mga currencies.

Mayroon din itong chatbox kung saan puwede itong iparating ang kanilang reklamo.

Bukod pa dito ay makikita rin sa app ang mga kinaroroonan ng mga coin deposit machines.

Ayon kay Bangko Sentral Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat na naging aktibo na ang app noon pang Enero kung saan mayroong halos 3,000 na ang gumamit at ito ay nadadagdagan pa.