-- Advertisements --
Nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na ipakalat at alagaan ang bagong labas na P20.00 coins.
Ang nasabing coins ay inilabas noong Disyembre 2019 bilang pamalit sa P20 na paper bill.
Ayon sa BSP na gawa ang nickel-plated steel core at bronze-plated steel ring ang nasabing P20 coins.
Gaya ng mga normal na barya, magbabago ang kulay nito kapag ito ay na-exposed sa araw.
Ilan sa mga pag-iingat ay ang paglalagay ng anumang pandikit, pagbabad sa anumang likido ng matagal na panahon, paggamit ng anumang kemikal para linisin ito.
Noong Agosto kasi ay umabot na sa mahigit 2 million piraso ng bagong P20 ang ipinakalat na sa buong bansa.