-- Advertisements --
Ipinaliwanag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang ginawa nilang pagbebenta ng mga ginto.
Sinabi ng BSP na kaya nila ginawa ito ay para patatagin ang gross international reserves (GIR) ng bansa.
Isinabay nila ang pagbebenta habang mataas pa ang halaga ng gold sa merkado.
Noong Agosto 2024 ay nananatiling matatag ang GIR ng bansa na nasa $107.9 bilyon bilang reserba ng bansa.
Mas mataas ito kumpara noong Disyembre 2023 na mayroon lamang P103.8-B.
Itinuturing na ang GIR level ay isang external liquidity buffer ng bansa na ito ay sapat para sa pitong buwan na halaga ng mga import ng goods , bayad o serbisyo at pangunahing kita.
Katumbas din ito ng anim na beses na short term na panlabas na utang.