-- Advertisements --
Muling nagsagawa ng unang monetary board meeting ang Bangko Sentral ng Pilipinas ngayong araw para ngayong taon.
Ayon sa pamunuan ng BSP, pinaaga ang naturang pagpupulong na dapat sana ay nakatakda sa February 20.
Ang adjustment ay dahil na rin sa dadaluhang pulong ni BSP Governor Eli Remolona sa Financial Action Task Force Plenary and Working Group Meetings.
Ito ay nakatakdang magsimula sa darating na February 17 hanggang February 20 na gaganapin sa Paris, France.
Inabangan ng mga ekonomista, Philippine Stocks Exchange, at mga negosyante ang naging pagbabawas ng BSP ng Monetary Policy sa unang rate setting ngayong 2025.
Kung maaalala, nagpahiwatig na ang BSP chief na magkakaroon ng 50 basis points na rate cut ngayong kasalukuyang taon.