-- Advertisements --

Nagtala ng pagbilis ng pagpapautang ng mga bangko sa bansa nitong Enero ng kasalukuyang taon.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na ito na ang pinakamabilis na paglago ng pagpapautang sa loob ng dalawang taon.

Base sa datos ng BSP na ang outstanding loans ng universal at commercial banks net of reverse repurchase (RRP) placement sa BSP ay umangat ng 12.8 percent sa unang buwan ng taon.

Mula sa dating P11.54 trillion noong Enero 2024 ay naging P13.019 nitong Enero ngayong taon.

Umaasa ang BSP na magtutuloy-tuloy ang nasabing pagtaas ng pagbilis ng mga pag-utang sa mga bangko.