-- Advertisements --

Tumaas ang naitalang personal remittances mula sa overseas Filipino workes (OFW) nitong buwan ng Enero.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mayroong $3.24 bilyon ang kanilang naitala o katumbas ng P185.45 bilyon.

Ang nasabing halaga ay mas mataas ng 2.9 percent kumpara noong Enero 2024 na mayroon $3.15-B.

Subalit ito ay mas mababa na naitala noong buwan ng Disyembre 2024 na mayroong $3.73-B.

Isa sa mga tumaas ang remittance ay sa land at sea based wokers.

Nanguna ang US sa pinaka top source ng remittances na sinundan ng Singapore at Saudi Arabia.