-- Advertisements --

Bumuo na ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng Ukrainian Hryvnia (UAH)-Currency Exchange Facility (CEF) para sa mga overseas Filipinos (OFs) na magbabalik mula sa Ukraine.

Sinasabing bahagi ito ng hakbang ng central bank upang matulungan ang nagbabalik na mga overseas Filipinos na naapektuhan ng kaguluhan mula sa ibang bansa.

Ang bagong tatag na UAH-CEF ay magbibigay serbisyo sa mga displaced OFW para matulungan sa pagpapalit ng kanilang hawak na Ukrainian money na maipagpapalit tungo sa Philippine money.

Ang mga overseas Filipinos at miyembro ng kanilang pamilya na bumalik ng Pilipinas mula February 18 ay eligible para sa currency exchange.

Ang halaga ng Ukrainian money na maaaring ipagpalit ay hindi lalampas sa P20,000 sa eligible person, o higit pa kung merong kaukulang rason na aprubado ng BSP.

Ang Ukraine-Philippines conversion ay tatanggapin ng BSP sa head office, mga branches, regional offices o mga otorisadong bangko.

Tatanggapin ang Currency Exchange Facility ng hanggang September 29, 2022.

“The BSP considers the repatriation of OFs from Ukraine to be of national interest. Our OFs are new heroes and key contributors to the Philippine economy. As such, the BSP is happy to assist our OFs, particularly those affected by the armed conflict in Ukraine,” ani BSP Governor Benjamin Diokno.