-- Advertisements --

Ipinanukala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagkakaroong batas na may mabigat na parusa sa mga magpapakalat ng mga pekeng pera.

Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na nais nilang magkaroon ng mas matagal na pagkakakulong sa mga napatunayang nagpapakalat ng pekeng pera.

Sa kasalukuyang batas kasi ay maryoong pagkakakulong ng 12 taon at multa na P2 milyon ang sinumang napatunayang nagpapakalat ng mga pekeng pera.

Mula noong 2010 hanggang 2021 ay mayroong mahigit 12,400 piraso na mga pekeng pera ang nakumpiska ng BSP na nagkakahalaga ng P7.8 milyon.

Mayroon ring mahigit 14,300 piraso ng mga pekeng US dollars na nagkakahalaga ng $92.5 milyon.

Nauna rito ibinabala ng BSP sa mga mamamayan na suriing mabuti ang mga perang nakukuha sa mga automated teller machines (ATM).