-- Advertisements --

Bumabalangkas ngayon ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng isang kautusan na naglalayong higpitan ang mga bangko at non-banks na mga institusyon na higpitan ang proteksyon ng mga konsyumer laban sa mga panloloko at ilang mga cybercrimes.

Patuloy na nangangalap ang BSP ng mga komento mula sa stakeholders para sa draft circulars.

Nais nilang amendahan ang manual of regulations sa mga financial institutions lalo na sa mga provisions ng information technology (IT) controsl para sa mga electronic products at ilang serbisyo.

Mayroong hanggang Pebrero 10 ang mga institusyon para isumite ang kanilang suhestiyon.

Layon ng pagbabago ay para tuluyang maipatupad ang Anti-Financial Account Scamming Act (Afasa), kung saan limitado lamang ang kapangyarihan ng BSP na mag-imbestiga sa mga bank deposits, e-wallets at ilang financial accounts na sangkot sa nasabing mga krimen.