Hindi pa rin magiging madali ang landas na pagdadaanan ng Pilipinas para sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ay kahit pa binabaan ng economic managers ang growth forecast ngayong taon sa 4 hanggang 5 percent mula sa dating 6.5 hanggang 7.5 percent dahil sa impact ng enhanced community quarantine kamakailan na ipinatupad para mapigilan ang pagkalat pa lalo ng mas nakakahawang Delta coronavirus variant.
Ayon sa BSP, dapat din ikonsidera na ang gross domestic product (GDP) ng bansa ay aahon mula sa mahabang panahon na recesion noong nakaraang taon hanggang sa first quarter ng 2021.
Magugunita na nitong second quarter lang ng 2021 nang tumaas ng 11.8 percent ang GDP ng bansa dahil sa mababang base effect.
Samantala, nakikita ng BSP na makakatulong para sa overall economic growth ang pagpapabuti sa kumpiyansa ng mga negosyo at mamimili, private investments at consumption pati na rin ang vaccination rollout.