-- Advertisements --
Iniimbestigahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nangyaring pagbiktima ng mga hackers sa government controlled United Coconut Planters Bank (UCPB) kung saan nakuhanan ng P167 million.
Ayon sa BSP nangyaring ang pagnanakaw noong Hunyo sa pamamagitan ng malawakang withdrawals sa automated teller machine (ATM) at online transfers sa loob ng tatlong araw.
Naniniwala ng mga otoridad na mga sindikato na kinabibilangan ng Nigerians at mga Filipino.
Lumabas din sa imbestigasyon na mayroong 57 na withdrawals sa isang ATM at inubos ang laman nito na nagkakahalaga ng P4million.
Nakipag-ugnayan na rin ang BSP sa National Bureau of Investigation (NBI) sa nasabing insidente kung saan kabilang sa biktima ay mga depositors ng nasabing bangko.