-- Advertisements --

Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang mga negosyante na dapat ay tanggapin pa rin nila ang mga nakatuping P1,000 polymer bills.

Sa inilabas na advisory ng BSP na walang katotohanan na hindi na maaring magamit ang P1,000 na polymer bills kapag ito ay natupi na.

Ayon kay Nenette Malabrigo, ang Bank Office V ng Currency Policy and Integrity Department ng BSP, na ang hindi pagtanggap ng nasabing pera ay may kaparusahan ng hanggang 10 taon na pagkakakulong.

Hinikayat nito ang publiko na isumbong sa kanilang opisina ang negosyanteng hindi tatanggap ng nakatuping pera.