-- Advertisements --
Dadaan pa sa masusing pag-aaral ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang hiling ng mga banko na magtaas ng singil sa kanilang mga Automated Teller Machine (ATM) transaksyon.
Kasunod ito sa muling pagbuhay ng isyu sa kamara matapos na hindi nagpatupad ng pagtaas ng mga ATM charges sa loob ng anim na taon.
Ayon pa sa BSP, na sakaling maaprubahan ang pagtaas ng ATM charges ay magiging makatarungan.
Muling nilinaw ng BSP na hindi basta-basta puwedeng magtaas ang bangko ng sariling ATM charges.