-- Advertisements --
Isinusulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang unified digital payments standard.
Sinabi BSP Governor Benjamin Diokno, nagiging mabenta na ngayon ang digital payment dahil sa COVID-19 pandemic.
Upang hindi aniya magdulot ng kalituhan ay dapat na magkaroon ng parehas na uri ng sistema.
Isa sa nais ni Diokno ay ang pagkakaroon ng QR o Quick Reaction codes para maging malawak ang pagbabayad.
Target nito kasi na pagdating ng taong 2023 ay nasa digital na ang 50 percent ng transactions.