-- Advertisements --
Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ligtas pa rin ang banking system ng bansa.
Ito ay kahit may mga nagaganap na hacking issue na kinasasangkutan ng mga pangunahing bangko sa bansa.
Sinabi ni BSP Director Melchor Plabasan na dapat ipagpatuloy pa rin ng mga mamamayan ang pagdeposito ng kanilang pera sa bangko.
Maliit lamang ang porysento ng mga nabiktima ng hacking.
Napakaliit lamang ang tsansa na mabiktima ng ganitong insidente at sila ay nagsasagawa na ng imbestigasyon ukol sa usapin.
Gumawa na rin aniya sila ng paraan para maibalik ang nawalang pera ng mga biktima.