Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko sa bansa at ang publiko na ang national ID na ibinibigay ng gobyerno ay sapat na para makpagbukas ng bank account ang isang indibidwal.
Sinabi ni BSP Governor Benjamin Diokno na ang malaking tulong ang ginawa ng Philippine Identification System (PhilSys) ID dahil sa mas maraming mga Filipino at yung low income na makapagsimula ng pag-iipon ng pera sa bangko.
Ang nasabing national ID aniya ay tutulong sa mas malawak na pagbubukas ng transactions lalo na ang mga basic deposit accounts.
Dahil dito ay maaaring tanggapin dapat ng mga bangko ang mga PhilSys ID kapag ipakita man ito physicall o sa mobile formats at ito ay tatanggapin kahit hindi na kailangan ang iba pang mga ID.
Isa rin aniyang gamit ng nasabing PhilSys ay para mapabilis ang paglipat ng bansa sa digital economy.