-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na iwasan ang paglalagay ng mga personal na impormasyon sa internet.

Ayo sa BSP, kabilang sa mga dapat iwasan ay ang pagsasapubliko ng lokasyon, birthplace at iba pang mga mahahalagang impormasyon.

Giit ng BSP, ito ay maaaring magamit ng mga scammer para sa identity theft. Dito ay kukunin ng masasamang loob ang iyong personal na impormasyon para magpanggap bilang isang persona.

Tiyak na magagamit rin ang mga impormasyong ito para makapangloko.

Pinayuhan naman ng BSP ang publiko na kung sakaling may kahina-hinalang aktibidad partikular na sa mga account, credit-card, e-wallet o personal na impormasyon, ipaabot kaagad sa mga bank at e-wallet provider.

Maaari rin na magsumbong sa mga awtoridad kagaya na lamang ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center ng DICT at PNP- Cybercrime Group.

Sakalin man na hindi tumugon ang bangko, maaring magpadala ng mensahe BSP Online Buddy sa kanilang website.