-- Advertisements --
Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilpinas (BSP) ang publiko na suriing mabuti ang mga perang kanilang nahahawakan.
Kasunod ito sa pagkalat sa social media ng pekeng P1,000 bill sa bansa.
Ayon sa BSP na para matiyak na hindi peke ang pera ay dapat gumamit ang mga tao ng tinatawag na Feel-Look-Tilt method.
Kung saan madaling malaman ng isang indibidwal na peke o tunay ang perang hawak nila.
Nagbabala rin ang BSP na may karampatang parusang pagkakakulong ng hangang 12 taon ang sinumang indibidwal na magpapakalat ng mga pekeng pera.