Muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa publiko na huwag magpapaloko sa mga nagpapanggap na charity scams lalo na ngayong holiday season.
Paalala ng ahensya na kung sakaling may manghihingi ng monetary donations, ugaliing tanungin at alamin kung saan gagamitin ang hinihinging donasyon.
Paalala pa nila na agad na i-check ang website nang nanghingi ng donasyon kung mayroon man, upang maiwasang mabiktima ng mga mapanlinlang na charity scammers.
Bukod dito ay binigyang-diin rin ng ahensya ang pag-iwas na makumpromiso ang mga personal data ng bank account at credit card.
Ayon sa BSP, huwag i-click o pindutin ang link ng mga kahina-hinalang email at text message, at iwasan ring ilagay ang personal o bank account informations.
Kung sakaling mabiktima o makumpromiso ang account, ipagbigay-alam agad ito sa mga otoridad at sa BSP upang mabigyan ng kaukulang mga aksyon.