-- Advertisements --

Nagsagawa ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng mga briefing tungkol sa mga regulasyon sa foreign exchange (FX) sa buong bansa kasunod ng serye ng mga FX liberalization reforms na inilabas sa mga nagdaang taon.

Ang mga FX briefing, na nagsimula noong Hunyo 2024, ay ginanap sa mga sangay ng BSP sa mga lungsod ng Batac, Zamboanga, Cagayan de Oro, Puerto Princesa, Dumaguete, at Roxas at dinaluhan ng mga kinatawan ng lokal na mga bangko, mga asosasyon sa industriya, mga nag-e-export, at mga tauhan ng sangay ng BSP.

Ang information campaign ay pinangunahan ng International Monetary Affairs and Surveillance Sub-Sector at International Operations Department ng BSP.

Kasama rin sa mga nasabing aktibidad ang mga presentasyon tungkol sa mga kamakailang development sa ekonomiya at mga update sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) monetary at financial cooperation at integration na offer ng Department of Economic Research at International Relations and Surveillance Department ng BSP.

Ang BSP ay nagsagawa rin ng mga virtual na FX briefing sa BSP Head Office noong 2024.

Ang mga virtual briefing ay dinaluhan ng mga compliance officer ng mga bangko at mga kinatawan ng asosasyon sa industriya.

Ang pagsasagawa ng mga FX briefing ay naaayon sa adhikain ng BSP na aktibong makipag-ugnayan sa mga stakeholder nito tungkol sa mga panuntunan at reporma sa FX market, gayundin ang pagpapa-unawa at pagkakaroon ng pare-parehong pananaw sa polisiya ng FX at mga kamakailang improvement.