-- Advertisements --

Mas pinalakas pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagprotekta sa mga consumers na gumagamit ng mga online fund transfers.

Kasunod ito sa pag-apruba nila ng bagong mekanismo ng electronic fund transfer (EFT).

Sinabi ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan na ang bagong apruba nila ng standards ng EFT ay napapaloob sa National Retail Payment System Framework.

Dagdag pa nito na patuloy na lumalawak ang mga gumagamit ng online payments kung saan halos lahat ng mga establishimento ay gumagamit na ng nasabing sistema.